Lunes, Abril 22, 2013

Si Tamuneneng Ko

Isang lumang awitin sa lalawigan ng Batangas, Isang pamanang pampanitikan!



 Ang Tamuneneng ko ay ayaw pumanhik
Ang dinadahilan hagdan ay tagilid
Pinangakuan kong aking itutuwid
Ang Tamuneneng ko'y saka pa pumanhik

Ang Tamuneneng ko ay ayaw pumasok
Ang dinadahilan pinto ay makipot
Pinangakuan kong aking iiipod
Ang Tamuneneng ko'y saka pa pumasok

Ang Tamuneneng ko ay ayaw umupo
Ang dinadahilan ay wala raw bangko
Pinangakuan kong kahit silyang mapako
Ang Tamuneneng ko ay saka pa umupo

Ang Tamuneneng ko ay ayaw kumain
Ang dinadahila'y hilaw raw ang kanin
Pinangakuan kong aking lulutuin
Ang Tamuneneng ko'y saka pa kumain

Ang tamuneneng ko ay ayaw uminom
Ang dinadahila'y tubig raw ay may lason
Pinangakuan kong aking itatapon
Ang Tamuneneng ko'y saka pa uminom

Ang Tamuneneng ko'y ayaw tumulog
Ang dinadahilan ay maraming lamok
Pinangakuan kong bibigyan ng kumot
Ang Tamuneneng ko'y saka pa natulog